Etong lugar namin, sa totoo lng ay pugad ng masamang bisyo! Kung anu anong masamang impluwensya ang nandito. Parang isinumpa. Baket ka nyo? – eto isa isahin naten.
Sa tapat ng aming balay eh merong karera. Etong karerang to mas matanda pa to saken, Di pako pinapanganak eh fully-operational na to. At lantaran sila. Mga walang hiya! Merong mga tumataya dyan na mga bata, 10-taon palang marunong mangarera, napakalakas pa ng boses ng batang to, kala mo matandang hukluban na. Yung mga tambay dyan sa kanto na isang barangay ang mga anak eh walang pakundangan kung magwaldas ng pera.
Tuwing sisilip ako sa labas namen ehh nagkalat ang mga talipandas! Halos wala kana madaanan, mga nakaharang! Lahat sila nakatingin sa maliit na tv, tapos pinapanuod nila magtakbuhan ang mga kabayo na ambabaho naman. Diba mabaho ang kabayo? Sa divisoria maraming ganyan, puro laway at ambabaho.
Yan! yan ang ang dyos ng mga tao dito pag tanghali. Nakatingala sila lahat sa tv para silang mga nagsusumamo. May mga hawak silang papel na parang yun ang bibliya nila. Di sila napapagod. Araw-araw ganyan sila.
Pag dating ng madaling araw, hayan na, on-duty na ang mga bata. Ang mga babae mga naka-puki shorts. Di ba yun ang tawag sa short na hanggang singit lng. Tapos tastas ang tela, na parang ang gus2 nila sabhin e “come and get me dirty boys”.
Pagala-gala ang mga batang babae na to. Minsan nasa tricycle at may kasamang mga teen stars haha. Nandun sila sa mga madilim na sulok sa tricycle at mga kalawangin na jeep. Naghahagik-gikan na animoy gustong tumikim ng luto ng Dyos! Mga maiksi ang damit, Ang mga binatilyong teen stars naman uhaw na uhaw sa hiyas ng mag kalaro nya. Jusko nasan ba ang mga nanay nito. Napaka dumi ng lugar na to. Puro kasalanan! Imbis na matulog na eh ayun! nasa kanto at naka suot ng puki-shorts.
At ang shabu dito lantaran. Minsan bumibili ako sa bakery, pinapakita pa nila saken na nag-aabutan sila ng shabu, nakatingin sila saken at nag-tatawanan! Ang mga walanghiya! Iniingit pa yta ako! Gusto ko sabhin sa mga batang to na “Hoy umuwi na kayo at magaral ng mabuti, para maka-alpas tayo pare-pareho sa kahirapan!” Minsan nasa kanto sila mga naka-hilata sa ibabaw ng jip na puro kalawang, naghihit-hit ng marijuana. In fairness ang ma-macho nila. Bat ganun? ako ang linis linis ko at sapat ang pagkain ko sa araw-araw pero ampayat payat ko! MAs mukha pakong adik sa mga yun!
Ang mga magulang ng mga batang to walang pakialam! Inilabas nila ang sangkaterba nilang anak sa mundo para magdildil ng asin! Hinahayan nila ang mga ank nila na lapastanganin ang katawan! ang puri!
Minsan bibili ako ng mantika kay Aling Petchay, meron ba nmang tambay na gus2 kunin ang sapatos ko! Tarantado ba sya?! Inutang ko pa sa BDO ang pambili nung adidas na yun tapos aarborin nya! Sira ulo! At ang utang na yun sa bdo may interes! Mga credit card na patung patong mag interes. Di lng ako nakabayd ng isang buwan abah eh pinutul na ang credit line ko.
Alam ko na ang buhay ng tao sa mundo di pare-pareho. May mahirap may mayaman. Ang swerte ng mga batang anak ng mga artista, mga madaming pera. pera pera pera! May kapangyarihan. Yung mga anak ni aga mulak di pa lumalabas sa sinapupunan ni charlene eh mayaman at sikat na. Pero yung iba kylngan pa tahakin ang napakasikip na daan ng tagumpay para makakakin ng masarap! kylngan pa magtipid sa tanghalian at kumain sa karinderyang madumi ang pagkain para lng makabili ng sketsers na sapatos.
Haaay balang araw aalis ako sa maduming lugar na to. Titira ako sa tahimik na lugar walang tambay pag gabi, walang putaching para ako nmn ang mag pupuki shorts ehehehheeh.
Recent Comments