Tungkol san ba tong blog na to?

Ang blog na to ang hingahan ko ng sama ng loob. Dito ko iipunin ang galit ko sa mundo at sa mga bwakanang inang halimaw na sumisira ng ulo ko. Pagud na pagod at naguumapaw na ang dibdib ko sa mga sama ng loob kaya kylngan ko ng ibang container para sa hinanakit ko sa buhay at ibang tao.

Kesa sumabog ang damdamin ko sa sobrang sama ng loob eh minarapat ko na gumawa nlng ng blog at dito ilathala ang lahat lahat ng perwisyung dulot sakin ng bawat araw! At para  sosyal kesa sa dibdib at damdamin ko ilagak lahat ng galit ko.

At magkakalat ako ng tsismis dito. Tutal marami akong mga bubwit sa showbiz na pde ko kuhanan ng intriga. Bka mas yumaman pako ke Cristy Fermin pag nagkataon. At yung galit ko sa mga kapit-bahay namin dito ko ilalabas. Ikukuwento ko lhaaaaat ng tsismis ng mga yan. Tutal pinag-tsi-tsismisan din namn ako ng mga yan eh. Kung may tenga ang lupa at may pakpak ang balita, ako may blog at humanda kayo sakin mga tsismosa!


Leave a Reply