Macbook to neng!
Haaay matagal tagal din akong nag-absent sa pagb-blog. Medyo naging busy kase akesh. Pero ngayun back to pambubuset na naman. Syempre pa, di pwedeng di ko tutuligsain ang kamalasan at kapestehan.
Especial ang entry na to dahil bago ang computer na gamit ko. Kung dati ay kakarag-karag at napakalaking PC ang gamit ko, ngayun Macbook na, ohh sosyal ko noh! OO sosyal ako eh, di lang halata sa itsura ko pero sosyal ako. Di ako kagandahan pero sosyal ako! Ambisyosa din kaya heto, pa-macbook-macbook nlng. Heto ang larawan ng bago kong macbook. Maliit lng para di nakakasawa dba.
Hinati ko kase ang picture, oo tama may tinanggal ako dyan. Kasama ang mukha ko dyan eh pero bka masira ang moment kaya tinanggal ko na lng.Regalo ko to sa sarili ko eh, kase simula nung nag tarbaho ko eh tipid ako lagi. Ilang damit ang tiniis kong di bilhin, ilang pagkain ang tiniis kong di kainin, pero worth it naman.
Sa totoo lng, bago ko to bilhin eh iniisip ko kung ipagamot ko muna ang ears ko. Meron kase kylngan ayusin sa right ear ko, medyo di sya nag fu-function kaya tuwing kakausapin ako ng mga tao ang sagot ko lagi eh, ANO? ANO SABI MO? PAKI ULET? AKO BA KAUSAP MO? ANO NGA? Ang tawag saken sa ofc eh binge, kase may pagka-bingi ako. Minsan nilalait nko harap harapan eh mag smile smile pa rin ako kase di ko sila naririnig.
Sa madaling salita, titiisin ko muna ang pagkabingi ko, konting bingi lng nman to. Inuna ko muna ang macbook kase sosyal eh. E pag naglakad ba ko sa labas malay ba ng mga tao na bago ang tenga ko. pakielam ba nila kung maayos ang pandinig ko. Eh at least eyong macbook, kita nila agad, sasabhin nila wow ang sosyal whehheehheheh. ahheheehhhehe. Yan, ganyan ang gus2 k!. Ang sabhin saken wow ang sosyal magkanu bili mo dyan. O di ba ang sarap ng feeling! Eh kung uunahin ko ang pagpapaayos ng talenga ko, lalapitan ba ako ng tao at sasabhing “wow, sosyal bagung opera ang tenga mo”… Wala nmn ganung factor… Hmmp!


ahahah oo nga naman
mas ok ang sosyal na bingi kesa sa inde sosyal na di bingi haha labo.. welkam back neng!
tamang-tama balik mo, magnewnewyear na! belated merry pasko at happy new year na din sayo
congratz sa bagong macbook, sosyal mo na haha
KAPESTEHAN: Uu nga hapi new year and belated mery xmas, kunyare lng sosyla pero papansin. Maraming salamat sa pagbisita.
gusto ko din nyan…